INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga medical practitioners sa bansa na tutukan na ang mga non-Covid-19 patients sa bansa na naantala ang paggamot mula nang magkaroon ng pandemya.
Ang pahayag ay ginawa ni Duterte sa inagurasyon ng Cancer Diagnostic Institute Building and Cancer Treatment Facility Building sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City noong Biyernes.
“As we welcome the launching of these centers, I urge our medical practitioners all over the Philippines to give the necessary attention to non-Covid-19 cases whose treatments may have been delayed or affected due to the restrictions we have to impose,” ayon kay Duterte.
Nais din ni Duterte na maraming public at pribadong hospital ang maging inspirado para.mapagbuti ang kanilang serbisyo.
“This project will have a long-lasting positive effect in addressing public healthcare concerns in the region and in the lives of many of our kababayans. As we have seen with the present Covid-19 pandemic, the wellness of the people is the strength of our nation,” dagdag ni Duterte.
Hinikayat pa ni Duterte ang mga medical pracritioners na patuloy na mangalaga at maging bayani sa isat’isa para matamo ang malakas at malusog na Pilipinas. (Jaymel Manuel)