Latest News

NOLCOM’s 7th ID SINUPORTAHAN ANG NIA PARA SA 50 MAGSASAKA

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija — Nagpahayag ng buong suporta ang Commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army na nasa ilalim ng AFP Northern Luzon Command sa mga proyekto ng National Irrigation Administration (NIA) sa pangunguna ni Gen. Ricardo Visaya (Ret) para sa kapakanan ng mga magsasaka sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa NOLCOM , target ng BULO Small Reservoir Irrigation Project na matulungan ang mga magsasaka sa Bulacan kaya buong buong sinuporthan ito ni Army 7th Infantry Division Commander Maj. Gen. Andrew Costelo .

Pahayag ni Mgen Costelo, ang nasabing proyekto ay magiging kapaki-pakinabang sa mga magsasaka kaya sinigurado nilang walang magiging sagabal sa BULO Small Reservoir Irrigation Project sa Brgy. Kalawakan, Dona Remedios Trinidad, Bulacan .


Sinabi pa ni MGEN COSTELO, inaasahang madaragdagan ng proyektong patubig ang produksyon ng agrikultura ng 50 magsasaka.

Bukod dito, binigyang-diin ni MGEN COSTELO ang kahalagahan ng proyektong ipinatupad ni NIA Administrator Ricardo Visaya para sa mga magsasaka dahil sila ay nagsisilbing gulugod ng ating ekonomiya.


“Sinusuportahan ng inyong Army ang ganitong uri ng proyekto na nakikinabang sa ating mga magsasaka. Para po sa ating mga magsasaka dito sa Brgy nawa’y gamit ninyo ng maayos ang proyektong ito ng gobyerno para mas marami pa ang mga susunod na henerasyon,” ani MGEN COSTELO.

Bukod dito, may kabuuang 570 ektarya ng mga sakahan sa Brgy Kalawakan, DRT (35ha) at Brgy Malibay, San Miguel, Bulacan (535ha) ang makikinabang sa nasabing sistema ng irigasyon.


Upang ipahayag ang kanilang pagkilala sa proyektong ito, dumalo sa inagurasyon ang iba’t ibang pinuno ng Bulacan. Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ni Bulacan Governor Daniel Fernando; Bulacan 3rd District Representative Lorna C. Silverio; DRT, Bulacan Mayor Marita L. Flores; at San Miguel, Bulacan Mayor Roderick DG Tiongson. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army

You May Also Like

Most Read