NO MERCY! Ito ang warning ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa mga pasaway na pulis na mapapatunayang nagpaputok ng baril ngayon Kapaskuhan at sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Babala pa ng heneral,bukod sa mga pulis na nagkasala ay garantisadong papapanagutin din sa ilalim ng batas ang kanilang immediate superior kaya inatasan niya ang mga ito na bantayan ang kanilang mga tauhan.
Subalit ayon kay PNP Chief, tiwala sya na hindi aabusuhin ng mga pulis ang paggamit ng kanilang mga service firearms ngayong Yuletide season kaya wala siyang planong selyuhan ang mga baril ng kanyang mga tauhan.
Salungat sa mga nakagawian, hindi magpapatupad ang PNP nang masking sa muzzle ng baril o paglalagay ng selyo sa mga baril ng mga pulis sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng PNP chief ang lahat ng unit commanders na bantayang maigi ang kaso ng indiscriminate firing sa kanilang nasasakupan kasama ang hanay ng kapulisan.
At sakali mang may pasaway na lalabag dito, paiiralin ng PNP ang “No Mercy Policy.” (VICTOR BALDEMOR RUIZ)