NO LOWERING OF GUARDS…

ITO ang ginawang pagtiyak ng Philippine Army-10th Infantry “Agila” Division na kahit na deklaradong insurgency-free ang Davao Region ay mananatiling naka alaerto ang kanilang puwersa .

Ayon kay 10th Infantry “Agila” Division Commander MGen. Nolasco Mempin, hindi sila magpapakampante at mananatili silang alerto upang maiwasan ang muling pagkabuhay ng mga nawasak nang guerilla fronts nang Communist Party of the Philippine at armadong galamay nitong New People’s Army.


Nilinaw ng heneral na mananatili ang kanilang security at visibility patrols, ganun din ang kanilang assistance at facilitation ng livelihood programs sa mga rebeldeng nagbalik loob na sa pamahalaan.

Target ng Army 10th ID na masustinahan ang tagumpay na nakamit sa Region 11 at maisasakatuparan ang mga programang pangkabuhayan at pangkaunlaran sa pamamagitan nang pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Tiniyak din nitong pakikinggan nila ang mga hinaing ng mga tao sa nasabing rehiyon upang makapagbigay ng kaukulang tugon para di na mauwi pa sa madugong pakikibaka.


Matatandaang pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Defense Department Officer in Charge Jose Faustino Kr. ang ceremonial declaration ng Davao Region bilang insurgency-free nito lamang nakalipas na lingo. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Philippine Army-10th Infantry “Agila” Division

You May Also Like