Okay lang sa China ang ginaganap na Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos basta wala silang masasagasaan o hindi nakatuon ito sa ibang bansa
Ayon kay Mao Ning, tagapagsalita ng China Foreign Ministry: ”China believes that all cooperation should help enhance mutual trust between countries in the region, promote common development, and contribute to the region’s peace and stability.”
“ No cooperation should target any third party,” ani Mao Ning hinggil sa posibilidad na tatalakayin at maglalabas ng nagkakaisang pahayag ang mga dumalong pinuno ng bansa hinggil sa security cooperation, kabilang ang usapin hinggil sa maritime issues.
Kabilang sa mga inaasahang mapaguusapan sa Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation na dinaluhan ni Pangulong Marcos ang isyu sa West Philippine Sea.
Maliban sa South China Sea ay ilang mga international development din ang sinasabing matatalakay sa nabanggit na pagpupulong ay may epekto sa ASEAN nations.
Base umano sa draft ng final statement posibleng talakayin din ang iba pang usapin kaugnay sa East China Sea, sitwasyon sa Myanmar habang mapag-uusapan din ang tungkol sa North Korea Ang mga ito ay bahagi ng session sa Summit kung saan paguusapan ang ASEAN-Japan relations, international at regional developments.
Sa pagtatapos ng summit ay inaasahan din na maglalabas ng joint statement kaugnay rito ang mga bansang kasali sa nasabing international event kasama na ang Pilipinas.
Ang pangulo, kasama ang Philippine delegation ay nakikilahok sa ASEAN – Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit simula kahapon Disyembre 17 hanggang 18.
Nagsimula ang itinatag na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kasama ang Japan noong 1973 nang ang Pangulo pa ng bansa ay si Ferdinand Edralin Marcos ang ama ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na ang layunin ay isulong ang “peace, stability, development, and prosperity sa Asian region.”