Latest News

NKTI HEAD NURSE, ITINUTURONG LIDER NG ‘KIDNEY FOR SALE’

By: JANTZEN ALVIN

ISANG head nurse ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang itinuturong lider ng sindikatong ‘kidnap-for-sale’ kasunod ng pagkakadakip ng tatlo nitong kasabwat sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) sa Bulacan.

Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago,ang lider ng ‘kidney for sale’ na head nurse ng NKTI ay itinuro ng tatlong naaresto na sina Angela Atayde, Marichu Lumibao at Dannel Sicat.


Sinabi ni Santiago na nakatanggap ng reklamo ang NBI- NCR kaugnay sa mga indibiduwal na sangkot sa kidney organ trafficking, kung saan binibili ang kidney sa halagang P200,000.

Diumano, ang mga suspek ang nagre-recruit at nagsasaayos ng paglilipat ng kidney sa kanilang kliyente kapalit ng pera.


Dumadaan umano sa proseso ang mga nare-recruit ,ipinakikilala sa mga recipients at kapag nag-match ay saka isasailalim sa medical procedures at ibibigay ang down payment.

Sa isang bahay sa Brgy. Tungkong Mangga, SJDM umano dinadala ang mga biktima at doon isasailalim sa proseso hanggang sa mailipat na ang kidney.


Sa operasyon noong Hulyo 11,2024 sinabi ni Santiago na siyam na biktima ang nasagip, kung saan tatlo ang.pino-proseso ang paglilipat sa kidney na ngayon ay nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office ng SJDM, Bulacan Province.

Isinailalim naman sa inquest proceedings ang mga naaresto na sinampahan ng.kasong.paglabag sa Section 4 (h) of RA No. 11862 (Expanded Anti Human Trafficking Act).

Tags: National Kidney and Transplant Institute (NKTI)

You May Also Like

Most Read