By: JANTZEN ALVIN
Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga sa tindahan kung saan siya kumakain ang Sports Utility Vehicle (SUV) na minamaneho ng aktor na si Niño Muhlach noong Linggo sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal.
Ayon sa ulat, tumawid diumano ang sasakyan ni Muhlach sa kabilang kalsada at bumangga sa tatlong tindahan, at tapos ay tumama din sa isang motorsiklo, na pumailalim pa umano sa sasakyan ng aktor.
Nagmamaneho umano si Muhlach patungong Masinag nang magkaroon ng problema ang makina ng kanyang kotse at mawalan siya ng kontrol dito. Sa kabutihang-palad, walang nasawi.
Samantala, nakipag-ayos si Muhlach sa mga apektado ng aksidente.
Aniya: “I take full personal and legal responsibility for what happened. My priority right now is ensuring that the affected individual receives all the necessary care, support and medical assistance and that all damages caused to the properties and establishments are fully compensated and rectified… for the victim, their family, and everyone affected by my negligence. I am fully cooperating with authorities as this matter is being resolved.”














