Niño Jesus, ginagamit sa pangungolekta ng donasyon; publiko, pinag-iingat ng Cebu Archdiocese

By: Carl Angelo

Binigyang- babala ng Archdiocese of Cebu ang publiko laban sa ilang indibiduwal na gumagamit umano sa imahe ng Niño Jesus upang makapangolekta lamang ng donasyon, kasunod na rin ng nalalapit na pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño sa Linggo.

Sa public advisory ng Cebu Archdiocese nitong Biyernes ay binalaan ang publiko laban sa mga indibidwal na bumibisita sa mga bahay-bahay at maging sa mga establisimyento at ginagamit ang imahe ni Baby Jesus para makahingi ng donasyon.


Nilinaw pa ng Archdiocese na hindi kabilang sa Simbahang Katolika ang naturang mga indibidwal.

Kaugnay nito, inihayag rin naman ng Cebu Archdiocese na ang “Pax Te Cum” ay hindi na isinasagawa dahil tapos na ang panahon ng Kapaskuhan.

“Pax Tecum is no longer conducted since Christmas season is already over. Please be careful. Thank you very much,” ayon sa Cebu Archdiocese.


Nabatid na ang “Pax Te Cum” ay Latin phrase na ang sabihin ay ‘Sumainyo ang Kapayapaan’ o ‘Peace be with you.’

Ito ay ginagamit sa pagbati at pagpapaalam, partikular na sa religious context.


Tags: Archdiocese of Cebu

You May Also Like

Latest News