Latest News

Night club, natupok

By: Philip Reyes

Natupok ang isang entertainment club at nadamay ang ilang bahay matapos na sumiklab ang isang sunog kahapon ng umaga sa Remedios corner Adriatico Streets sa Malate,Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas- 11:35 ng umaga sa Matenrou Entertainment Club na matatagpuan sa nabanggit na lugar.

Nabatid na idineklarang fireout ang sunog alas- 12:35 ng tanghali.


Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nabanggit na sunog.

Inaalam ng arson division ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like