Latest News

Nigeria binaha, 50 patay

Nasa 50 katao ang patay at marami ang nawalan ng tirahan nang manalasa ang matinding pagbaha dala ng walang tigil na pag-ulan sa Jigawa State ng Nigeria.

Ayon kay executive secretary of the State Emergency Management Agency , Sani Yusuf, sa kanilang paglilibot ay umabot na sa 237 bahay ang nasira sa bayan lang ng Balangu.


Nagtayo ng 11 pangsamantalang camp site upang matirhan ng mga residente.

“This incident is particularly sad because it has become perennial. This is causing serious damage to schools, houses, and the livelihood of the people,” pahayag ni Federal Minister of Humanitarian Affairs Sadiya Farouqn na bumisita sa Jigawa para magpaabot ng mga tulong at relief goods.

Matatandaang nakaranas ng matinding pagbahay ang Nigeria nitong umpisa ng Agosto na kumitil naman sa buhay ng 7 katao at nanalasa ng mga bahay at gusali.


Tags: Federal Minister of Humanitarian Affairs Sadiya Farouqn

You May Also Like