GAGASTUSAN ng Php 34.327 million ng National Irrigation Administration ang pagbili ng 345 units ng motor vehicles para higit na mapabilis ang monitoring, evaluation, at field inspection/validation ng kanilang mga proyekto.
Ayon sa NIA , layunin nila na magkaroon ng mabilis na updating sa status ng mga on-going construction and Operations and Maintenance (O&M) activities ng mga irrigation projects nationwide.
Kaya kinailangan na bumili ang NIA ng 345 units ng light and transport equipment (Honda XR 150 Motors) mula sa winning bidder, K Servico Trade, Inc.
Sinasabing ang acquisition ng light/transport equipment ay line sa Four-Point Agenda ni NIA Administrator Ricardo R. Visaya, particular sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo ng kawanihan bukod pa sa modernization ng mga equipment para sa operations at project implementation.
Sinasabing bahagi rin ang nasabing pagbili ng light/transport at heavy equipment ng re-fleeting program ng ahensiya
Nuong CY 2017, ay bumili ang NIA ng 34 units ng light/transport vehicles at 17 units ng heavy equipment. Para sa CY 2018, ang NIA ay nag acquir ng 91 units ng light/transport vehicles at 18 units ng heavy equipment. Samantala limang units ng heavy equipment at 91 units ng light/transport vehicles ang kanilang binili nuong 2019.
Nitong December 31, 2021, umaabot sa 3,375 units ng heavy, light/transport, at iba pang support, at special equipment ang minamantina ng NIA para manatiling nasa operating condition bilang suporta sa operations and maintenance ng irrigation systems sa buong bansa.
Habang umaabot naman sa 640 units ng equipment ang unoperational subalit t repairable, at nasa 1,227 units ng equipment ang inerekomenda naman for disposal. Kaya kinakailangan na talaga na magkaroon ng re-fleeting ang NIA para mas maging efficient at reliable ang kanilang operation ayon. (VICTOR BALDEMOR)