Latest News

NFA, ‘exempted’ sa real property tax, ayon sa Korte Suprema

By: Jantzen Alvin

Exempted ang National Food Authority (NFA) sa pagbabayad ng real property tax.

Ito ang pahayag ay ginawa ng Supreme Court matapos na ipawalang-bisa,ang “Notices of Delinquency” na inisyu ng City Treasurer of Tagum City, Davao Del Norte, laban sa NFA na umaabot sa mahigit P2,000,000 sa real property taxes.

Ayon sa desisyong isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, unang nakatanggap ng pitong notice of delinquency ang NFA mula sa City treasurer ng Tagum City.

Napag-alaman na noong 2008, si NFA Region XI Regional Director Antonio R. Dela Cruz ay nag-apply ng exemption mula sa real property taxes kay Tagum City Mayor Rey T. Uy, Office of the City Assessor, base sa legal opinion ng Office of the Government Corporate Counsel.

Ayon sa SC, ang NFA bilang isang ‘government instrumentality” i ay exempted sa real property tax .

Gayunman, unang pinaboran ng RTC ang Tagum City local government at sinabi nito na ang NFA ay isang government-owned and controlled corporation kaya dapat na ito ay magbayad ng real property tax,at maging ang Court of Tax Appeals (CTA) Second Division ng CTA En Banc ay kinatigan ang desisyon ng RTC kaya naghain ang NFA ng petition for review on certiorari sa SC.

Binaligtad naman ng SC ang ruling ng CTA En banc at kinatigan ang petisyon ng NFA kalaunan.

Tags:

You May Also Like

Most Read