ISANG baby girl ang itinanghal na ‘New Year Baby 2025; nang ipanganak ganap na alas-12 ng umaga nitong Bagong Taon sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.
Umabot sa.13 oras ang pagle-labor ng ina ng bata na si Lea Mae Razo, 27, at 40 linggo ito dinala sa sinapupunan.
Alas-11 pa lamang ng umaga nang magsimulang mag labor si Lea Mae pero alas 12 na ng madaling araw nang mailabas ang sanggol na pinangalanang si Baby Alea Jayde, kombinasyon ng pangalan ni Lea Mae at kanyang mister.
Ayon sa midwife na si May Alipip, 30, sa kabila na malayo siya sa kanyang pamilya ay kakaiba ang kaligayahan na kanyang nadama sa pag-asiste sa panganganak ni Lea Mae.
Sinabi naman ni Dr. Jeglen Cruz, Senior House Officer ng ospital, na kung wala namang kumplikasyon ay kaagad ring pauuwiin ang mag-ina.














