Netizens nalungkot sa ‘tampuhang’ KC, Kiko at Frankie

By: Beth Gelena

MAY nakapansin na naka-unfollow umano si KC Concepcion sa Instagram accounts ng mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan.

Kaya ang tanong netizens: “Tampuhan?”

Absent din daw si KC sa birthday
celebration ng stepdad na si Kiko.


Wala namang paliwanag ang magkabilang kampo kung bakit naka-unfollow sila sa isa’t isa.

Ini-screenshot pa ng mga “Marisol” saka at in-upload side-by-side ang kanilang Instagram account para may resibo sa kanilang naobserbahan.

Makikita sa screenshot na hindi na nga naka-follow sa IG KC ng mag-ama.

Komento ng netizens: “I’m just wondering why KC unfollowed Frankie and her Dad Atty. Francis? “My issue siguro yung magBF @wanderingwatches at si KC. Baka naimpluwensyahan ng oportunistang BF nya. BF pa lang yan si @wanderingwatches may ugali na.”
“Sure ka dyan? Bakit yun post ni KC kay Kiko nun Father’s Day deleted? Saka mga posts na tag niya si Kiko, nawala.”


Marami tuloy ang nalulungkot sa nangyayari ngayon sa magpapapamilya.

Sana raw ay magkapatawaran na at mag-reconcile na sila.

Reaksyon naman ng iba:
“I think hindi unfollow, block nya sila and deleted na dati pa yung father’s day post nya kay kiko”

“Hindi naman din kasi madali yun situation nya na both parents may kanya-kanyang family and anak. Pra bang sya yun naleft out kasi.”


“I agree, naalala ko yung interview sa kanya few years back na she felt so alone kz nga may sari-sariling pamilya yung parents niya, siya yung first born child pero ang ending para siyang homeless.”

“Kasalanan yan ni Gabby. Sinong tumayong ama kay KC habang lumalaki? Si Kiko di ba?.. Tapos heto si Gabby ngayon akala mo napaka ulirang ama kay KC naitsa pwera yong pumuno sa pagkukulang nya sa anak nya.”

“Diba legally adopted na sya ni Sen. Kiko? I’d like to think with that gesture maging ok na na sya sa mga family and abandonment issues.”

Sana nga ay magkaayos na sila.

Tags: KC Concepcion

You May Also Like

Most Read