Negosyanteng nakabangga, arestado

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District- Station 14 ang isang 28- anyos na negosyante na nakapatay sa kanyang nabanggang sibilyan,kamakalawa ng gabi sa isinagawang operasyon sa Caluluan Hi-Way Concepcion.

Nakadetine sa MPD-PS14 ang suspek na si Jomar Malonzo at nakatira sa Gabriel Compound Caluluan Concepcion, Tarlac.


Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant para sa kasong reckless Imprudence resulting in homicide na inisyu ni Presiding Judge Ma.Angelica Paras ng Angeles Pampanga RTC Branch 59 at may petsang Hunyo 30,2015.

Inirekomenda ng korte ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Naganap ang insidente noong 20-anyos pa lamang ang suspek, kung saan nasagasaan at napatay into ang kanyang biktima.


Si Malonzo ay kabilang sa 15 most wanted person sa district level. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District-Station 14

You May Also Like