PATAY sa pamamaril ang isang 39 anyos na negosyanteng kapatid ng municipal mayor sa Pola Oriental Mindoro.
Sa ulat ng Oriental Mindoro PNP, dead on the spot ang biktimang si Aristotle Rivas, kapatid ng municipal councilor ng bayan ng Pola.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na kasalukuyang kumakain sa harap ng kanyang tindahan sa loob ng Pola public market ang negosyante nang biglang barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek.
Nagtamo si Rivas ng isang tama ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa ulo na nagging sanhi ng daglian nitong kamatayan.
Matapos na makitang bumagsak ang kanilang target ay mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo .
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para sa kakikilanlan ng mga suspek habang hindi pa rin malinaw ang motibo sa pamamaslang. (VICTOR BALDEMOR)