Latest News

Negosyante, dakip sa NBI dahil sa pagbebenta ng nakaw na materyales

By: Jerry S. Tan

Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Eastern Visayas Regional Office (NBI-EVRO) ang isang negosyante habang tinutugis ang isa pa,, matapos na madiskubre na nagbebenta ito ng mga nakaw na ‘raw materials metal sheet coils’, kamakailan sa Tacloban City.

Ang naaresto ay kinilala ni NBI Director Jaime Santiago, na si Marites Alcido,may-ari ng YHWH Hardware & Construction Supply in Brgy. Abucay, Maharlika Highway, Tacloban City, habang tinutugis naman ng NBI si Salvador Gloria Jr.,may-ari rin ng nabanggit na hardware na nakaalis papuntang Maynila nang isagawa ang operasyon.


Nauna nang nagreklamo sa NBI ang Dwightstell Building Systems laban sa ilang empleyado ng kanilang kumpanya na sangkot umano sa nakawan ng mga raw materials sa kanilang planta sa Cebu na umaabot sa halagang P9 milyon.

Ayon kay Santiago, pinlano ang test-buy at nakausap umano ng Credit and Collections Supervisor ng kumpanya ang kumausap sa isang ‘Bruce ‘ na matapos ang ginawang beripikasyon sa facebook ay nalaman na konektado sa YHWH Hardware & Construction Supply.

Noong Hunyo 12, 2024 ay nakabili umano ang buyer ng white plain raw sheets na nagtataglay ng marka ng kumpanya na nagkakahalaga ng P3,218 sa YHWH Hardware & Construction Supply.


Muling nagsagawa ng test-buy ang Dwightstell Building Systems noong Hunyo 14, 2024 hanggang ikinasa noong Hulyo 1,2024 ang buy- bust operation.

Ginawa ang operasyon ng NBI-EVRO kasama ang NBI-Samar District Office at NBI-Cebu District Office na nagresulta ng pagkakabawi sa white metal sheet coil na may markings ng kumpanya na umaabot sa 1,157 kilos at itinatayang nasa P92,560 ang halaga.


Siinampahan ng kasong paglabag sa PD 1612 o Anti-Fencing Law of 1979 sina Alcido at Gloria sa Tacloban Provincial Prosecutors office.


Tags: National Bureau of Investigation-Eastern Visayas Regional Office (NBI-EVRO)

You May Also Like