Latest News

Necrological service para kay dating PNP Chief Cascolan, isasagawa sa Kampo Krame

By: Victor Baldemor Ruiz

Nagsasagawa ng necrological service ang Pambansang Pulisya para kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Cascolan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, isinagawa ito sa PNP Multi-Purpose Center kanina (Martes) bandang alas-7:00 ng gabi.

Sinabi pa ni Fajardo, na lingering illness ang ikinamatay ni Cascolan batay na rin sa isinagawang pagsusuri ng medico legal officer ng PNP.


Nilinaw ng PNP na medico legal ang nagsagawa ng pagsusuri base na rin sa kahilingan ng pamilya noong araw na ito ay mamatay dahil out of town ang kanyang attending physician.

Nagkausap naman daw ang medico legal officer at attending physician at nagkasundo sa kanyang cause of death.


Napag alamang kailangan madeklara ang kanyang cause of death upang makapag-isyu ng death certificate.

Sinabi pa ni Fajardo na ipinauubaya na nila sa pamilya ang iba pang isyu sa pagkamatay ng dating hepe ng PNP bilang respeto sa mga ito.


May mga ulat na na-cremate ang labi ni PNP Chief Camilo Cascolan sa Heritage Park sa Taguig nuong Sabado sa likod ng pagtutol ng ilang malapit na kaaanak.

Tags: Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan

You May Also Like

Most Read