HABANG isa pang bagyo ang nagbabantang muling manalasa sa mga lalawigan na hinagupit ni Typhoon Paeng ay inakyat naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang kanilang death toll sa 98 habang may 63 ang nawawala.
Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga, 58 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang 40 ang for validation.
Sa 58 na kumpirmadong nasawi, 53 ang mula sa BARMM, 3 sa Region 6 at 2 sa Region 12. Wala pang reported death mula sa Luzon
Samantala, 69 ang injured kung saan 42 ang kumpirmado at 27 ang patuloy pang bineberipika.
Habang sa bilang na 63 ang missing, 25 ang kumpirmadong nawawala habang 38 ang for verification.
Ayon sa NDRRMC, dadaan pa ito sa verification process upang masiguro na yung mga nabanggit na indibidwal ay talagang nawala, nasawi o nasugatan dahil sa Bagyong Paeng.
Kaugnay nito Malaki ang posibilidad na lumobo pa ang bilang ng mga anasawi dahil lumabo na ang pag asa na may Makita pang buhay sa mga lugar na nagkaroon ng landslides lalo na sa Barangay Kusiong matapos na amg shift na mula sa search and rescue operatio to searc and retrival operation ang mga search and rescue teams.
“We have shifted our operation from search and rescue to retrieval operation because the chances of survival after two days are almost nil,” ani Naguib Sinarimbo, civil defense chief of the Bangsamoro region in Mindanao.
Karamihan ng mga inulat na nasawi ay sanhi ng flash flooding at landslides sa mga bayan sa Mindanao. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)














