NANANAWAGAN ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na huwag ipagsawalang-bahala ang mga panganib na dulot ng shear line na nagdadala ngayon ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa bansa.
Ayon kay Usec Ariel Nepomuceno, Civil Defense Administrator, “As we engage in worst-case scenario planning, it is crucial for everyone to heed the warnings regarding the current weather systems affecting our regions.”
Ang Shear Line ay bunga ng pagsasalubong ng malamig na hangin mula sa hilagang silangan na kilala bilang Northeast Monsoon o Amihan, at ng Easterlies, ang mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko, na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan na nagreresulta naman sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa ilang pagkakataon, ang matinding pag-ulan na dala ng Shear Line ay nagiging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa. Isang halimbawa nito ay ang nangyari sa Visayas at Mindanao noong Enero 2023, kung saan 43 katao ang nasawi.
Tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau ang may 1,632 barangays na saklaw ng 14 na probinsya sa Cagayan Valley, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Central Luzon na lantad sa rain-induced landslides at flash flooding.
Ayon kay OCD Administrator USec. Ariel Nepomuceno, dapat makinig ang publiko lalo na yung mga nakatira sa high-risk areas sa mga babala mula sa iba’t -ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mines and Geosciences Bureau (MGB) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)-OCD.
Dapat umanong maging alerto sa kasalukuyang umiiral na weather systems: Shear Line, Northeast Monsoon at Localized Thunderstorms.
Mula December 3 hanggang 5 ay inaasahan umano ang mga mararanasang heavy rainfall bunsod ng Shear Line, with heavy to intense rainfall sa Isabela at cagayan, habang moderate to heavy rainfall sa Aurora, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte,at Isabela.
“I urge everyone to heed the warnings and be prepared. Let us always remember, ‘LIGTAS ANG BAYAN KUNG HANDA ANG MAMAMAYAN’. Nananawagan po ako sa ating lahat na huwag ipagsawalang-bahala ang banta at panganib na dulot ng Shear Line”, dagdag pa ni Usec Nepomuceno.














