Latest News

NDRRMC AT OCD, NAKATUTOK SA PARATING NA KALAMIDAD

By: Victor Baldemor Ruiz

Mahigpit na tinututukan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang panibagong sama ng panahon na nagbabantang pumasok sa bansa.

Ayon kay NDRRMC Chairman at Defense Secretary Gilberto Teodoro, nagpapatupad na ang pamahalaan ng mga kinakailangang paghahanda upang mabawasan ang pinsalang idudulot nito.

Una rito, pinulong ng Kalihim ang iba’t -ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang NDRRMC na layong tiyaking makapagbibigay ng sapat na suporta ang gobyerno sa mga posibleng maaapektuhan ng panibagong sama ng panahon at maging ang mga posibleng paparating na kalamidad.


Binigyang-diin ni Teodoro ang kahalagahan ng ng nasabing inisyatibo.

“For proper preparation, rescue, and relief operations in areas affected by disasters, we have reinstated the Inter-Agency Coordinating Cell (IACC) as part of my mandate in the NDRRMC and Civil Defense PH,” aniya.

Paliwanag ng kalihim, ang IACC ay nagsisilbing “one-stop shop” para sa mga emergency operations, monitoring and coordination with partners, stakeholders and implementing agencies.

“We conduct daily briefings to ensure quick and appropriate action against disasters. This is one of the disciplines and processes we are strengthening due to the number of disasters and typhoons that pass through our country,” ani Teodoro.


Ang IACC ay nakatutok sa pagpapahusay ng koordinasyon para sa mga relief efforts, nakikipagtulungan sa mga lokal na unit ng pamahalaan at mga regional office ng OCD. Tumatayo rin ito bilang sentro para sa internasyonal na tulong, pinapadali ang pagtulong ng Armed Forces of the Philippines sa pamamahala ng tulong mula sa mga kaalyadong hukbo sa pagtugon sa mga kalamidad.#

Kasunod nito hinihikayat ng NDRRMC ang publiko na manatiling maging mapagbantay at makinig sa abiso ng inyong lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay.

Tags:

You May Also Like

Most Read