NDRRMC AT OCD, NAGHAHANDA SA EPEKTO NG TYPHOON BETTY

By: Victor Baldemor Ruiz

INIHAYAG kahapon ng National Disaster Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defence (OCD) na posibleng magsagawa sila ng pre-emptive evacuation sa Sabado o Linggo sa Hilagang Luzon bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ni Tropical Cyclone Mawar o Typhoon Betty sa oras na pumasok na ito sa area of responsibility ng Pilipinas.

Bagaman sa pagtataya ng PAGASA ay bahagyang humina ang Tropical cyclone Mawar mula sa pagiging supertyphoon nito kahapon araw ng Miyerkules, maari umano itong lumakas oras na pumasok sa AOR ng bansa.


Ayon kay PAGASA weather specialist Annaliza Clauren-Jorda, The typhoon may begin its approach into the Philippine area of responsibility (PAR) by Friday, May 26, and is expected to be inside PAR by Saturday, May 27,”2023 at tatawagin ang cyclone na Typhoon “Betty.”

Kahapon , nag-abiso na si NDRRMC spokesman Bernardo Rafaelito Alejandro sa mamamayan na naninirahan sa Northern Luzon, partikular sa Batanes, at ilang bahagi ng Region 2 lalo sa Cagayan at ilang lalawigan sa Cordillera Autonomous Region hinggil sa posibleng pagpapatupad ng pre emptive evacuation .

Lubha umano malakas ang dala nitong hangin habang tinatahak ang AOR ng bansa na posibleng humatak tubig ulan at magpalakas sa umiiral na habagat habang papasok ng Pilipinas sa Biyernes o Sabado at nararamdaman sa araw ng Lunes.


Ayon kay Alejandro, kabilang sa mga binabantayan nila ang mga coastal town lalo na sa Cagayan dahil sa malakas na hangin at syempre malakas din ang magiging pag- ulan at bukod pa sa malakas din ang alon sa lugar.

Dahil umaabot sa 320-kilometer radius ang lawak ng tropical cyclone ay paiigtingin nito ang southwest monsoon or habagat, na magdadala ng malakas na mga pag-ulan hanggang western section ng Palawan, at Visayas region, na may bugsong 215 kilometro kada oras (KPH).


Tags: National Disaster Risk reduction Management Council

You May Also Like