Latest News

NCRPO, pinaiigting ang inter-agency coordination para sa ligtas at maayos na ASEAN Summit

By: Tony Gildo

Tinitiyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko na ang paghahanda para sa 49th ASEAN Summit and related summits ay hindi lamang nakatuon sa seguridad ng mga ASEAN leaders at delegates, kundi maging sa kaligtasan, kaginhawaan at normal na pang-araw-araw na gawain ng mga mamamayan ng Metro Manila.


Sinabi ni NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano na patuloy na pinaiigting ang paghahanda para sa 49th ASEAN Summit at koordinasyon sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholders.

Nauna nang dumalo si Abrahano sa inter-agency coordation meeting kung saan tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang upang matiyak ang maayos, ligtas at matagumpay na pagdaraos ng regional gathering sa Nobyembre.

Kabilang sa mga dumalo sa meeting ang mga kinatawan ng bawat ahensya gaya ng Armed Forces of the Philippines, MMDA, Department of Tourism at DILG.


Nakatuon ang pagpupulong sa pagpapalakas ng koordinasyon at pagtutulungan sa traffic management, mobility, seguridad, crowd management at iba pang logistical requirements sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad na may kaugnayan sa ASEAN Summit.


Tags: National Capital Region Police Office (NCRPO)

You May Also Like

Most Read