NCRPO, nanawagan sa publiko na maging reponsable sa pag-post at pag-share ng mga pekeng impormasyon sa social media

By: Tony Gildo

Nanawagan si NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano sa publiko na maging responsable at maingat bago mag-post o mag-share ng anumang impormasyon online.


Binigyang-diin ni Abrahano na hindi dapat pinaniniwalaan ang mga ulat na kumakalat lamang sa social media at walang lehitimong report mula sa mga otoridad lalo na tungkol sa pamamaril, kidnapping, robbery, bomb threat, o iba pang insidenteng maaaring magdulot ng pangamba at pagkatakot sa publiko.

Matatandaang ilang insidenteng naganap noong nakaraan, partikular sa mga business district gaya ng Makati at Bonifacio Global City, ang muling ipinapakalat o inilulutang sa social media na para bang bagong nangyari, kahit ang mga ito ay napagtuunan na ng aksyon at nalutas na ng pulisya.

Giit ni Abrahano na ang muling pagpo-post ng mga lumang insidente nang walang sapat na konteksto ay maaaring magbigay ng maling impresyon at magdulot ng takot at pangamba sa mga residente, manggagawa at negosyo.


Ipinaalala rin ni Abrahano na ang iresponsableng pagpapakalat ng mali o malisyosong impormasyon ay maaaring magkaroon ng legal na pananagutan.

Sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code, maaaring magkaroon ng criminal liability ang ilegal na publikasyon at false news.




Samantala, saklaw ng Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, ang mga paglabag sa Revised Penal Code na isinagawa gamit ang information and communications technology, ganundin ang cyber libel.


Tags: NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano

You May Also Like

Most Read