NCR, handa na sa Level 1 — OCTA

NAKAHANDA nang maisailalim sa pinakamaluwag na Alert Level 1 ang National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso.

Ito ang paniniwala ng OCTA Research Group base sa kanilang obserbasyon at sa kanilangnpagtaya maaring dumausdos sa mas mababa pa sa 200 ang maitatalang bagong kasonl kada araw sa NCR.

“Of course, we are only a recommendatory body. From our perspective, we are ready because the cases are low, they are continuing to decrease. All our projections came true. We predicted less than 500 in NCR (National Capital Region) by Valentine’s Day and we got 485, and now it’s decreasing,” ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.


“We are projecting maybe less than 200 cases per day in NCR by March 1 and for the whole country, we are seeing maybe less than 1,000 already, so maybe down to triple digits. So based on the numbers, it looks like we are ready. The positivity rate is low, everything is low,” dagadg pa ni David.

Nalaman na ang COVID-19 reproduction number sa NCR ay nasa 0.2 na lamang habang ang positivity rate ay nasa 4.4% na lamang.


Naniniwala si David na pagsapit ng kalagitnaan ng Marso ay maaaring makitaan na ulit ang bansa ng mas mababa pang mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw, na tulad ng naitala noong Disyembre 2021, bago pa man makapasok sa bansa ang Omicron variant at kung kailan ang average ng mga bagong kaso ng sakit ay wala pang 500.

Posible umanong sapat na ang vaccination rate sa NCR para sa Alert Level 1 pero maaari na may ilang rehiyon pa ang mayroon pa ring mababang vaccination coverage.


Magugunita na inirekomenda na ng Metro Manila Council (MMC) na maibaba na sa Alert Level 1 ang alerto sa NCR.

Gayundin si Health Secretary Francisco Duque III ay nahpahayag na maaari nang ilagay ang NCR sa pinakamababang alerto ngunit dadaan pa ito sa deliberasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. (Jaymel Manuel)

Tags: OCTA Research Group

You May Also Like

Most Read