NCR COVID-19 positivity rate, bumulusok sa 22% — OCTA

By: Philip Reyes

Tumaas pa ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) at pumalo na lamang sa 22% hanggang noong Sabado, Mayo 27.

Napag-alaman kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ito ay pagbaba mula sa dating 25.7% noong Mayo 20.


Ang seven-day positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

Batay sa datos na ibinahagi ni David nitong Lunes sa kanyang Twitter account, nabatid na nakitaan rin nang pagbaba ng positivity rates ang mga lalawigan ng Batangas na mula 36.1% noong Mayo 20 ay naging 30.9% noong Mayo 27; gayundin ang Bulacan (24.0% – 22.1%), Camarines Sur (47.9% – 43.1%), Cavite (34.3% – 30.2%), Isabela (67.4% – 46.4%), Laguna (35.7% – 29.1%), Rizal (36.0% – 30.8%), at Zambales (26.6% – 24.8%).

Gayunman, iniulat rin ni David na nananatili namang mataas ang positivity rates sa ilang lalawigan sa Luzon, sa pangunguna ng Oriental Mindoro na pumalo sa 55.6% noong Mayo 27, mula sa dating 33.3% lamang.


Tumaas rin ang positivity rates ng mga lalawigan ng Bataan (21.4% – 38.4%), Benguet (24.7% – 28.3%), Cagayan (21.6% – 27.6%), La Union (21.1% – 24.5%), Palawan (22.8% – 29.8%), Pampanga (26.2% – 26.9%), Pangasinan (15.5% – 20.9%), Quezon (43.8% – 46.2%), at Tarlac (15.4% – 21.2%) sa nakalipas na linggo.

Ani David: “7-day testing positivity rate in NCR decreased from 25.7% (May 20) to 22% on May 27 2023. Positivity rates decreased in Batangas, Bulacan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Rizal, Zambales. Positivity rates remained high in most of Luzon.”


Tags: OCTA Research fellow Dr. Guido David

You May Also Like

Most Read

Latest News