Latest News

NCR, CALABARZON POSITIVITY RATE, BUMABA — OCTA

MAS mababa na sa 10% ang positivity rate kaya nasa low risk na.rin sa COVID-19 ang mga lalawigan nasa ilalim mg calabarzon.

Kabilang na ang lalawigan ng Cavite, Laguna, Quezon at Rizal,nasa.ilalim mg Valabarzon at inaasahang sa mga susunod na araw ay susunod na rin na magiging low risk ang lalawigan ng Batangas.

Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, na ang positivity rates sa Calabarzon, gayundin sa National Capital Region (NCR), ay mas mababa na sa 10%.


Una nang klinasipika ng OCTA ang NCR na nasa low risk na sa COVID-19 transmission at maaaring dumausdos pa sa very low risk classification ang rehiyon sa Marso.

Ayon sa datos ng OCTA hanggang Pebrero 15, ang NCR ay may positivity rate na 7% habang ang Batangas ay may 10%, Cavite ay may 9%, Laguna at Rizal ay may 8%, na pawang nasa moderate risk, at ang Quezon ay may 4%, na low risk naman.

Habang anv reproduction rate, nasa very low risk na ang NCR na may 0.19, Batangas na may 0.25, Cavite na may 0.20, Laguna at Quezon na may 0.19, at Rizal 0.18.

Samanyala, ang average daily attack rate (ADAR) naman, nasa moderate risk na ang NCR na may 3.57, gayundin ang Cavite na may 2.76, Laguna na may 2.58, Batangas na may 2.09 at Rizal na may 2.04 habang very low risk na ang Quezon na may 0.79.


Nasa very low risk naman na ang healthcare utilization rate (HCUR) ng NCR sa 26%, Cavite sa 22%, Laguna sa 23%, Quezon sa 9% at Rizal sa 29% habang low naman ang klasipikasyon ng HCUR sa Batangas na nasa 36%.

Nakakapagtala naman ng negative growth rate ang NCR na may -56%, Batangas na may -54%, Cavite na may -52%, Laguna na may -59%, Quezon na may -56%, at -50% naman sa Rizal. (Carl Angelo)

Tags: Dr.Guido David

You May Also Like

Most Read