Balak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mailipat ang New Bilibid Prison (NBP) mula sa Muntinlupa City patungo sa Occidental Mindoro.
“Kung pwede, ilipat ang maximum security sa malayong lugar para hindi na sila nakakapinsala rito. . . . We don’t want them mixing with the population,” ani Remulla .
Ayon kay Remulla, binisita na niya ang Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at kaya umano nito i-accomodate ang 10,000 inmates ng maximum security na nasa NBP.
Naniniwala umano si Remulla na matatagalan pa ang plano, sa kabila nang tatrabahuhin niya ito sa unang 100 araw niya sa tanggapan.
“Muntinlupa should no longer be the jail that it used to be,” dagdag ni Remulla.
Samantala,sinabi ni Remulla na gusto niyang maging mataas ang conviction rates ng mga prosecutors.
Nakatakda umano siyang maglabas ng policy statement sa mga susunod na araw kaugnay sa naturang usapin. (Anthony Quindoy)














