Nagsagawa ng inspeksiyon sa New Bilibid Prison (NBP) si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para sa planong paglilipat sa maximum security sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro Occidental.
Binisita rin ni Remulla si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag para talakayin ang mga programa, serbisyo at reporma para sa correctional system sa ating bansa.
Una nang bumisita si Remulla sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro Occidental na isa sa mga unang tinitingnan na lugar kung saan maaaring ilipat ang Maximum Security Prison ng NBP.
Mas madali umanong mababantayan ang mga bilanggo na nasentasyahan ng mga hukuman dahil sa iba’t -ibang mabibigat na krimen gaya ng murder, rape, kidnapping, drug trafficking at iba pa.
Ayon kay Remulla, kabilang sa kanyang inalam sa Sablayan ay ang lokasyon, layo at laki ng lupa, at iba pa.
Sinabi ni Remulla na panahon na para mabusisi ang iba’t- ibang resources ng BuCor upang mailagay sa tama ang lahat.
Tiwala naman si Remulla na makakaya ang mga isusulong na reporma, hindi lamang sa BuCor kundi sa iba pang ahensyang nasa ilalim ng DOJ.
Kabilang ang BuCor sa tatlong ahensiya ng DOJ na nais tutukan ni Remulla sa isyu ng katiwalian. (Carl Angelo)