NBI, pinahirapan sa Timor-Leste

By: Baby Cuevas

NAHAHARAP umano sa malaking hamon ang mga kinatawan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpunta nila sa Dili,Timor ,Leste para sunduin si dating Negros Occidental Rep Arnolfo ‘Arnie” Teves, Jr. matapos itong maaresto noong Marso 21 sa Top Golf Driving Range and Bar.

Sinabi ni NBI Director Medardo De Lemos sa isang press briefing na nararamdaman umano nila na pinahirapan sila.


Ayon kay De Lemos, hindi pa nasisimulan ang ‘deportation proceeding’ kay Teves sa kabila na noong Marso 21 pa ito naaresto .

Aniya pa, tatlong araw pa ang nakalipas bago nila nakumpirma ang pag-aresto kay Teves at pinayagan lamang umano silang makita si Teves matapos ang courtesy visit kay Timor-Leste President Jose Ramos-Horta.

Napag-alaman na sa ngayon ay pinag aaralan na ng mga awtoridad ang Interpol Red notice na naging daan sa mabilis na pag-aresto ng Timorese police kay Teves.


Sinabi ni De Lemos na posibleng tumagal ng isang linggo hanggang 40 araw ang ‘deportation proceedings’ laban kay Teves.

Si Teves ay akusado sa pagpaslang kay Negros Occidental Roel Degamo at iba pang sibilyan noong Marso 2023.


Tags: NBI Director Medardo De Lemos

You May Also Like