TATLONG hotel umano ang nagsumite ng mga kopya ng CCTV sa NBI kaugnay ng kaso ni Sandro Muhlach.
Ang mga footage ay mula sa mga hotel na pinuntahan ni Muhlach bago at pagkatapos ng umano’y pangmomolestya.
Nakipag-ugnayan ang mga hotel sa NBI Public Corruption Division matapos silang makatanggap ng subpoena.
Inimbitahan din ng NBI ang dalawang independent contractor ng GMA Network para magbigay ng kanilang salaysay.
Ang mga naturang footage ay mahalagang ebidensya para sa pagpapatuloy na imbestigasyon.
Inaasahang magbibigay-linaw ang mga footage na ito sa mga kaganapan bago at pagkatapos ng insidente.
Patuloy ang masusing pagsisiyasat ng NBI sa insidente, habang umaasa ang publiko na makakamit ang hustisya sa pamamagitan ng mga ebidensyang nakalap.
Samantala may pangalawang YouTube video post si Gerald Santos hinggil sa isyu na nangyari sa kanya noon.
Aniya, nakasuporta siya sa pinaglalaban ni Sandro at hindi raw siya titigil sa pagsasalita hanggat hindi nakakamit ni Sandro ang hustisya.
Parang nanalo na rin daw siya kapag nanalo ang anak ni Nino. Ang gusto nga ng mga netizen sana raw ay maimbitahan din si Gerald sa Senado para madinig din ng mga senador ang nangyari sa kanya nung 15 years old lang siya.