Latest News

NBI, NAKASABAT NG P6M PEKENG PROCTER & GAMBLE PRODUCTS

By: Baby Cuevas

MAY P6- milyong halaga ng mga produkto ng Procter & Gamble ang nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation -Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) kamakailan sa isang bodega sa Canumay East Valenzuela at dalawang stall sa 168 Shopping Mall sa Maynila.

Sa bisa ng tatlong search warrants ay sinalakay ng NBI ang bodega at dalawang tindahan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 110,776 piraso ng produkto ng Procter & Gamble na pawang nakalagay sa kahon.


Napag-alaman na bago ang pagsalakay ay nagsagawa muna ng test-buy sa mga pekeng produkto gaya ng sabon, dishwashing, toothpaste iba pa at saka pinlano ang pagsalakay.

Nagharap ang awtoridad ng kaukulang kaso laban sa may-ari ng bodega at establisimiyento sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD)

You May Also Like