Nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Rizal District Office (NBI-RIZDO) ang may 45,125 piraso ng “Tyrolit” products na nagkakahalaga ng P8 milyon sa isinagawang operasyon sa Rizal.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago,nakakuha ang NBI ng search warrant sa Manila RTC kaya nagsagawa ng pagsalakay noong Hunyo 28,2024 sa bisinidad na pag- aari nina Kelvin at Anna Chua.
Nakita sa lugar ang kahon-kahong produkto ng ‘Tyrolit’ gaya ng disk at grinder.
Nag-ugat ang operasyon matapos na makatanggap ng reklamo ang NBI na sangkot sa distribusyon ng mga pekeng ‘tyrolit’ ang mga suspek.
Nakumpirma ang alegasyon matapos na magsagawa ng test-buy ang NBI sa establisimiyento nila Chua.
Ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 8293 o intellectual property code.














