NBI, nag-iimbestiga sa nawawalang 35-anyos accountant

By: JANTZEN ALVIN

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na pinamumunuan ng direktor nitong si Jaime Santiago, kaugnay sa pagkawala ng isang 35-anyos na accountant may isang buwan na ang nakakalipas.


Nadiskubre umano ng kanyang kaanak na nawawala rin ang may P3.5 milyon na pera ng biktimang si Irene Melican na nasakanyang cards.

May hiinala umano ang pamilya ni Melican na dinukot ito ng lalaking nakilala niya sa isang dating application.

Sinabi naman ng NBI na naaresto nitong Martes ang itinuturong person of interest (POI) sa pagkawala ni Melican at patuloy itong isinasailalim sa interogasyon ng NBI.


Naaresto umano ang suspek noong Hunyo 9,2024 pero hindi pa rin nakikita ang biktima.

Samantala ay nananawagan naman ang pamilya ng biktima sa sinuman na posibleng may impormasyon kaugnay sa pagkawala ng biktima.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like