Latest News

NBI, MULING SUMIKAT SA PAG-UPO NI SPO4 JUDGE JIMMY SANTIAGO

By: Jerry S. Tan

Magaling talaga si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa ginawa nitong pagtatalaga kay Judge Jimmy Santiago bilang bagong Director ng National Bureau of Investigation (NBI).

Laman ng lahat ng headlines lahat ng mga ginagawa ngayon ng NBI, kasama na ang mga huli na malalaki.

Sandali pa lamang nakaupo si Santiago sa puwesto pero napakarami nang nagawa at accomplishments.

Iba kasi talaga si Director Santiago pagdating sa trabaho. Bukod sa pagiging sharpshooter na dating opisyal sa Western Police District bilang SPO4, naging piskal at judge din ito kaya talagang bagay na bagay siya sa puwestong ibinigay sa kanya.

Pagkaupo niya, sinabi ni Santiago na magkakaroon ng malaking pagbabago sa NBI.

Bukod sa ito ay kanyang muling pasisikatin, ilalapit daw niya ito sa mga tao at muli niyang bubuhayin ang ‘reward system’.

“There will be a reward system. Sa mga mahusay magtrabaho, uubusin natin ang intelligence fund. Magbigay tayo ng reward system. Ikakalat natin ‘yan. Hindi ko ibubulsa ‘yan. Atin ‘yan. Maaasahan ninyo ako diyan, ” pahayag ni Santiago sa ginanap na turnover ceremony sa NBI temporary office sa Quezon City.

Ayon pa kay Santiago, nakahanda siyang bigyan ng pabuya ang mga tapat at masisipag magtrabaho at tiniyak din niya na magiging mahigpit siya sa mga tiwaling tauhan ng ahensiya .

“Mga kasama, mabait akong boss. Walang napapahamak sa akin, sinasagot ko. But the director must always be informed. ‘Pag lumakad ka, hindi ko alam, buntot mo hila mo,” ani Santiago.

Ipinangako rin nito na ang NBI ay mas magiging ‘people-friendly’ at ibibigay niya lahat ng kanyang makakaya.

” Mahal ko ang NBI. Hindi kayo mabibigo. Papasikatin natin, ilalapit natin sa tao ang NBI. Tulungan ninyo ako,” pahayag pa ni Santiago.

Personal kong kakilala si Judge Santiago at masasabi ko na talagang malaking asset ito sa pamahalaan dala ng kanyang angking galing, talino, tapang ng dibdib at prinsipyo sa buhay.

Wala rin itong sinasanto pagdating sa trabaho kaya may mga di rin natutuwa sa kanya at ‘yan ay ‘yung mga nagawa ng kalokohan gamit ang kanilang posisyon sa gobyerno.

Nito lamang kelan ay isang opisyal ang kanyang ipinadakip at kinasuhan dahil sa kasong pangingikil sa isang aplikante kapalit ng pagsama sa pangalan nito sa listahan ng mga manunumpa sa tungkulin.

Maliwanag ang mensashe ni Judge sa pangyayaring ito. Wala siyang sasantuhin at walang kukunsinthin pagdating sa korapsyon.

Congrats sa NBI at kay Pangulong Marcos sa pagtatalaga kay Judge Santiago dahil tiyak na malaki ang maitutulong nito sa kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read