NBI, mag-iimbestiga sa pagpatay sa radio broadcaster

By: Baby Cuevas

Nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpaslang sa radio host na si Juan Jumalon, kilala bilang “Johnny Walker,” habang ito ay nagbo-broadcast noong Linggo sa Calamba, Misamis Occidental.

Kinumpirma ito ni Justice Assistant Secretary and spokesperson Atty. Mico Clavano, na nagsabing aktibo umano ang NBI sa imbestigasyon .


Ang pagpaslang ay naganap sa home-based radio station ng biktima sa Barangay Don Bernardo Neri.

Nabatid sa imbestigasyon ng NBI na naganap ang pamamaril sa biktima alas-5:30 ng umaga habang si Jumalon,57 ay nagpu-programa sa 947 Calamba Gold FM.

Isinugod sa Calamba District Hospital.si Jumalon pero hindi na naisalba dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa bibig na tumagos sa likurang bahagi ng ulo.


Pumasok sa istasyon ang suspek at sinabi na may sasabihin lamang siya sa biktima pero nang makita ito ay kaagad itong pinagbabaril.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read