INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) na magi-isyu ito ng subpoena laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay para magpaliwanag kaugnay sa kanyang online statement na siya ay kumuha na ng mga taong papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr,sa kanyang misis na si Liza Araneta at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ipapadala ang subpoena sa Martes.
Sinabi ni Santiago na kaagad silang mag-iimbestiga para matukoy kung sino ang mga kinuha ni Duterte na tao na papatay sa mga pinakamataas na lider ng bansa.
Napag-alamang papapuntahin sa NBI si Duterte para imbestigahan sa kanyang mga inihayag laban sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.