NBI, IIMBESTIGAHAN ANG PAGKAMATAY NI ZULUETA

By: Anthony Quindoy

Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang dahilan sa likod ng pagkamatay ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.

Si Zulueta ay may nakabinbing warrant of arrest kasama si dating BuCor Director General Gerald Bantag kaugnay sa pagpaslang kay Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor.

Matatandaang si Zulueta ay isinugod sa hospital dahil sa matinding pananakit ng dibdib at namatay kalaunan sa pagamutan ngunit sa kanyang death certificate ay lumalabas na ang sanhi ng kanyang
kamatayan ay cerebrovascular disease intracranial hemorrhage.


Dahil diyan ay iniutos ni Remulla kung kinakailangan ay hingin ang payo ng forensic pathologist.

“We urge the Philippine National Police to share with the DOJ its findings, as well, the cause of Zulueta’s death. To dispel doubts and rumors, once and for all, the DOJ is also contemplating seeking Dr. Raquel Fortun’s expertise to conduct an autopsy on Zulueta’s remains,” ayon kay Remulla.

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla

You May Also Like

Most Read