Latest News

NAWAWALANG PIPER PLANE SA ISABELA NAKITA NA NG PHIL. AIR FORCE

By: Victor Baldemor Ruiz

Kinumpirma kahapon ni Philippine Air Force spokesperson Col Ma Consuelo Castillo na natagpuan na ng kanilang search and rescue team ang nawawalang Piper Plane RPC 1234.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Air Force Commanding General Stephen P. PaRreño bandang alas 8:05 kahapon ng umaga ay natukoy ng kanilang mga tauhan sakay ng PAF Sokol helicopter na sadyang itinalaga para search and rescue efforts para sa nawawalang Piper Plane RPC 1234, sa bisinidad ng Barangay Casala, San Mariano, Isabela.

Subalit dahil sa sama ng panahon at makapal na hamog hindi magawang makababa o makalapit ang Sokol chopper na sinasalubong ng malakas na hangin .


Pero nagawa ng mga tauhan ng air force na maituro ang eksaktong lokasyon sa mga sundalong nasa ground para ipagpatuloy ang search on foot tungo sa aircraft exact location.

Ayon sa PAF Tactical Operations Group 2, na siyang responsable sa air operations sa the area nakatulong nila sa paghahanap ang civilian R44 aircraft ng Lion Air ,


Habang ang ground search party naman ay binubuo ng mga sundalo mula Philippine Army, PNP, BFP, at Municipal Disaster Risk Reduction Office mula Palanan, San Mariano at Divilacan kasama ang mga Dumagats bilang giya.

Inihayag ni Col Castillo na nakahanda ang air forces na magtalaga ng kanilang mga parajumpers at dagdag na rescue helicopters mula 505th Search and Rescue Group para sa possible heli rescue kung kakayanin ang kondisyon ng panahon sa lugar.


Tags: Philippine Air Force

You May Also Like

Most Read