Nawawalang Cessna plane sa Isabela, natagpuan na

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may natanggap silang impormasyon na natagpuan na ang nawawalang Cessna plane sa Isabela.

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) hinggil sa iba pang detalye.

Kabilang dito ang lagay ng mga pasahero at piloto nito.


Ang naturang aircraft ay idineklarang ‘missing’ mula pa noong January 24, 2023. (JERRY S. TAN)


Tags: Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)

You May Also Like

Most Read