Latest News

NAWAWALANG CESSNA PLANE, BUMAGSAK SA 6 KILOMETER PERMANENT DANGER ZONE

IPINAGPATULOY kahapon ang search and rescue operation ng pinagsanib na pwersa ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Energy Development Corporation at Philippine Army para sa nawawalang Cessna plane.

Ito ay makaraang masilip ng isang foreign rescue volunteer sa lente ng kanyang DSLR camera ang posibleng debris ng nawawalang Cessna 340 plane sa Bicol noong Sabado ayon sa Office of Civil Defense (OCD)kahapon .

Ayon sa OCD, muling ipinagpatuloy ng rescue team ang nabalam na paghahanap dahil sa sama ng panahon at kahapon ay tinahak nila ang posibleng crash site sa Barangay Quirangay sa bayan ng Camalig, Albay, malapit sa barangay Anoling na sinasabing nasa loob ng 6-kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkang Mayon na kasalukuyang nasa second alarm.


Itinigil kasi ang operasyon dahil madilim na sa lugar at masama ang panahon bunsod ng malakas na pag-ulan sa Camalig, Albay, 23 oras ang nakalipas mula nang inulat ang pagkawala ng eroplano na may sakay na apat na katao na lumipad mula Bicol International Airport, patungong Maynila.

Bitbit ng may 200 kataong kabilang sa rescue mission ang ilang drones, thermal camera at rescue dogs patubgo sa hinihinalang crash site ng nawawalang eroplano.

Nakilala naaman ang piloto ng Cessna plane na si Capt. Rufino James Crisostomo, Jr., Mechanic Joel Martin at dalawang pasahero na sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan, pawang Australian nationals. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Bureau of Fire Protection (BFP) at Energy Development Corporation at Philippine Army, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read