Itutuloy ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nationwide vaccination drive na isinagawa sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Gusto lang natin sabihin na lahat ng isinagawa ng ating previous na national vaccines operations cluster itutuloy po natin yan,” ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire Vergeire, na mamumuno sa National Vaccination Operations Center sa ilalim ng bagong administrasyon.
“So, we have done our national vaccination days before at nakita natin na naging successful at nakapagpataas tayo ng antas ng pagbabakuna, so we will still do this,” dagdag ni Vergeire.
Sinabi ni Vergeire kailangan umano na mag isip ng long-term solution para maitaas ang antas nang pagbabakuna sa bansa.
Muling magdaraos ng “Bayanihan,Bakunahan” na unang sinimulan sa huling bahagi ng 2021.
Nabatid na priyoridad ng gobyerno ang booster shots.
“Sa tingin ko, at sa tingin ng gobyerno mas mahalaga ngayon ang ipursige maka-receive ng first booster shot itong 74% ng eligible population, which is around 40 million Filipinos na kailangang maka-receive ng first booster,” ayon pa kay Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na pinag-aaralan ang posibilidad nang pagbibigay ng booster sa lahat ng sector. (Jaymel Manuel)