Dumausdos pa ang nationwide positivity rate ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David nasa 5.9% na lamang ang nationwide positivity rate hanggang nitong Hulyo 12, 2023.
Ang pagbaba ay mula sa naitalang 6.0% na nationwide positivity rate noong Hulyo 11, 2023.
Ayon kay David, nakapagtala rin ang Pilipinas ng 285 bagong kaso ng sakit sa nasabing petsa gayunman, sa naturang bilang ay 6,132 na lamang ang itinuturing na aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Habang nasa kabuuang 66,499 ang COVID-19 deaths sa bansa, matapos na madagdagan pa ng lima, sa nasabi ring petsa.
Magugunita na sinabi ni David na ang positivity rates sa National Capital Region (NCR) ay pumalo na sa 4.2% na lamang noong Hulyo 8, 2023.