Ilalarga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Setyembre 8 ang nationwide simultaneous earthquake drill, bilang paghahanda sa mga kalamidad gaya ng lindol.
Ayon kay NDRRMC spokesman Mark Timbal, isasagawa ang earthquake drill sa Setyembre upang makasama dito ang mga estudyante na sasalang na sa face-to-face classes.
“Mas masaya ngayon dahil nasa eskwelahan yung mga bata at doon din isasagawa yung mga drills para makiisa yung ating mga eskwelahan, mga estudyante dito sa earthquake drill na ito,” wika ni Timbal.
Noong Hulyo ay niyanig ang Abra ng magnitude 7.0 na lindol na puminsala sa maraming istruktura at umabot pa ang pag-uga sa Metro Manila.
Bukod dito, sa nagdaang linggo ay ilang lindol din ang tumama sa Mindanao.














