Latest News

Nationwide COVID vax sa edad 5-11 umpisa sa Valentine’s Day

IPINAHAYAG ng pamahalaan na ang COVID-19 vaccination para sa mga batang edad 5 hanggang 11 ay magsisimula sa Pebrero 14.

Ayon sa Department of Health, ang pagbabakuna sa naturang age group ay magsisimula sa Metro Manila at ilang parte sa Central Luzon at Calabarzon sa Pebrero 7 bago ang nationwide rollout sa Peb. 14.

May 780,000 Pfizer vaccines para sa mga batang 5 hanggang 11 ang inaasahang darating na sa bansa matapos na ang third party logistics partner ay hindi naikarga sa eroplano ang mga bakuna noong Huwebes, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hepe ng National Vaccination Operations Center.


“It has already left Brussels. It was in Hong Kong, it’s going to arrive tonight (Friday). Meron na rin kaming allocation per area depende kung ano ang nasubmit nilang immediate registration,” ayon kay Cabotaje.

Dagdag pa ni Cabotaje, may susunod na 780,000 doses ng Pfizer vaccine ang nakatakdang ideliver sa bansa sa Peb. 9.

Ayon pa rin kay Canotaje, mahigit 160,000 mga bata, kasama ang 100,000 sa Metro Manila, ang nagparehistro na para mabakunahan. (SST)


Tags:

You May Also Like

Most Read