Nationwide COVID-19 positivity rate, bumaba pa sa 8.2% — OCTA

By: Jaymel Manuel

Inihayag ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David na bumaba pa sa 8.2% ang nationwide COVID-19 positivity rate ng bansa hanggang noong Hunyo 24.

Ayon sa OCTA, ang pagbaba ay mula sa 8.6% noong Hunyo 23 at mula sa 8.9% noong Hunyo 22. Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpo-positibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.


Kaugnay nito ay nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 464 bagong kaso ng COVID-19 noong Hunyo 24 kaya umabot na sa 4,162,231 ang total COVID-19 cases sa bansa kung saan 8,353 na lamang ang aktibong kaso, habang may 691 bagong nakarekober kaya nasa 4,087,396 na Ang kabuuang nakarekober sa sakit at nasa 66,482 naman ang namatay sa COVID-19.

Tags: OCTA Research Group fellow Dr. Guido David

You May Also Like