Utang ng Pilipinas pumalo sa P12.76-T

Lumobo sa P12.76 trilyon ang utang ng bansa sa pagtatapos ng Abril, ayon sa ulat ng Bureau of Treasury (BTr) ngayong Huwebes.

Mas mataas umano ito ng 0.7%, o P83.40 bilyon mula sa naitalang utang ng Pilipinas noong Marso.

Isa umano ang paghina ng piso kontra dolyar sa mga dahilan sa paglobo ng utang. Isa rin sa mga dahilan ang net issuance ng mga government security sa mga nagpapautang sa loob at labas ng bansa.


Sa naturang halaga, P8.935 trilyon ang domestic debt habang P3.827 trilyon ang foreign debt.

“For the period, the increment to external debt was due to the net availment of external loans amounting to P28.56 billion and the effect of peso depreciation against the US dollar amounting to P31.50 billion,” saad ng BTr.


“This was tempered by adjustments in third currencies amounting to P43.86 billion,” dagdag pa nito.


Tags: Bureau of Treasury (BTr)

You May Also Like

Most Read