Latest News

US, NABABAHALA SA ASAL NG CHINA; TULONG SA PINAS, TINIYAK

By: Victor Baldemor Ruiz

MULING tiniyak ng United States ang kanilang suporta sa Pilipinas kasabay ng pahayag ni United States Secretary of Defense Lloyd Austin III na lubhang nakakabahala ang ina-asal ng China kasunod ng insidente ng paghaharass ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Bukod pa ito sa napa ulat na swarming ng Chinese vessel sa dalawang bahura na malapit sa oil at gas rich Recto Bank na saklaw ng Exclusive economic zone ng Pilipinas

Nabahala ang US kaugnayan pa rin sa tangkang panghaharang ng mga barko ng China Coast Guard sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard upang hindi ito makapasok sa Ayungin Shoal.

Ang pagkabahalang ito ay ipinahayag ni Austin sa kasagsagan ng kanilang pagpupulong ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr.

Secretary Austin noted with concern the PRC’s recent coercive and risky operational behavior directed against Philippine vessels operating safely and lawfully in the South China Sea, including around Second Thomas Shoal.

He highlighted the United States’ ironclad alliance commitment with the Philippines and reiterated that the Mutual Defense Treaty extends to Philippine public vessels, aircraft, and armed forces—to include those of its Coast Guard—in the Pacific, including anywhere in the South China Sea, ayon sa ibinahaging report ng US DOD at US Embassy sa Maynila

Mapanganib kasi aniya ang naging operational behavior ng mga barko ng China laban sa mga barko ng Pilipinas na naglalayag lamang sa Ayungin Shoal.

Samantala, kasabay nito ay muli ring iginiit ng Estados Unidos ang ironclad alliance at commitment nito sa Pilipinas, at gayundin ang pagbibigay-diin sa Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa kabilang na ang Philippine public vessels, aircraft, at armed forces, at marami pang iba.

Muli ring pinagtibay ng dalawang opisyal ang commitment ng dalawang bansa sa pagtataguyod sa rules-based order at gayundin ang pagbibigay suporta sa kabuhayan ng mga lokal na komunidad ng Pilipinas sa West Philippines Sea alinsunod na rin sa Arbitral Tribunal Ruling noong taong 2016.

Samantala sa halip na umamin at magpakumbaba, ay matapang pang dinepensahan ng China ang mga alegasyon ng panibagong pang haharass ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos na isiwalat ng PCG na mayroong 11 mga barko ng China ang kanilang namataan sa Ayungin shoal at tinangka itong harangin upang hindi makapasok doon.

Sa kanyang pahayag ay dinepensahan ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin ang naging aksyon na ito ng China Coast Guard kasabay ng pag-aakusa na ang PCG daw mismo ang nanghihimasok sa Ren’ai reef o Scarborough shoal nang wala aniyang pahintulot.

Paliwanag niya, ang Ren’ai reef O Scarborough shoal na pinangyarihan ng naturang initan sa pagitan ng China Coast Guard at PCG noong Hunyo 30, 2023 ay bahagi ng Nansha Island ng China.

Giit pa nito, ang mga tauhan ng China Coast Guard ay pawang mga propesyonal at well trained, at ang naging aksyon aniya ng mga ito ay naaayon sa batas na nagtataguyod sa territorial sovereignty at maritime order ng kanilang bansa.

Kung maaalala, una nang nagpahayag ng pagkabahala ang PCG sa naging aksyon ng China lalo na noong may namataan pa itong dalawang People’s Liberation Army Navy vessel ng nasabing bansa sa Ayungin shoal na itinuturing na ngayong humanitarian area kung kaya’t nakakapagtataka kung bakit anila may mga barkong pandigma sa lugar.

Tags:

You May Also Like

Most Read