INTERESADO ang United States na magtayo ng lima pang karagdagang joint military facilities sa Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro at maging ni Department of National Defense Officer in Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr.
Kabilang dito ang dalawang posibleng sites sa Cagayan, isa sa Palawan, isa sa Zambales at isa sa Isabela subalit nilinaw ni Gen Bacarro na hindi pa ito sigurado at subject pa rin sa approval ng Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA).
Kung magugunita, nilagdaan ang EDCA noong taong 2014 na nagpapahintulot sa tropa ng Amerika na magkaroon ng access sa mga designated Philippine military facilities, karapatan na magtayo ng mga pasilidad at preposition ng equipment, aircraft at vessels subalit hindi kasama dito ang pagkakaroon ng permanenteng military base sa bansa.
Sa ilalim din ng EDCA, nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa Amerika para sa pagpapatayo ng mga pasilidad sa hinaharap sa may Cesar Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga; Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecija; Lumbia Airfield sa Cagayan De Oro; Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa, Palawan; at Benito Ebuen Air Base sa Cebu.
Subalit agad na nilinaw ni DND officer-in-charge Undersecretary Jose Faustino Jr na ang mga EDCA sites na ito ay training facilities at warehouses lamang.
Ayon kay Bacarro, posibleng pasimulan ang construction ng mga nabangit na EDCA facilities sa susunod na taon ng 2023 .
“Hindi pa naman i-istart ito because it will be subject to… ‘Yung technical working group pinag-usapan ‘yan, lumabas ang limang ‘yan. These will still be subject to the approval of DND [Department of National Defense] and DFA [Department of Foreign Affairs],” anang heneral.
Kinumpirtma naman ni Defense officer-in-charge Usec. Jose Faustino Jr. na ang mga nasabing sites ay karagdagan sa nauna ng limang inaprobahang
“We are not building bases, we are not allowed to. The Constitution specially states that foreign military bases are not allowed in the Philippines. What we have are EDCA sites. [These are] Enhanced Defense Cooperation sites that we use for [as] training facilities, warehouses,” paliwanag ni Faustino.
“Of course, we have to consider some constitution provisions, some of our national laws before we could go into that,” “These facilities are Philippines-owned. If the Americans use it, they have to ask permission from us before they could do that” anang defense opisyal.
Ang pagtatayo ng additional EDCA sites ay natalakay sa ginanap na Mutual Defense Board – Security Engagement Board (MDB-SEB) meeting, na dinaluhan nina Faustino at US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Hawaii may dalawang buwan na ang nakalipas. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)