TUNAY NA MUKHA NG CPP-NPA, INILANTAD NG NADISKUBRENG MASS GRAVE

Sa paggunita kahapon sa pagkakadiskubre sa “The Garden” ang Inopacan massacre mass grave na pinaglibingan ng may 100 kasapi ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army na pinaghihinalaang nagtaksil sa kilusan ay naglalantad umano sa tunay na mukha ng CPP-NPA-NDF bilang isang Inhuman Cult”

Ayon kay 8th Infantry Division Commander , Maj. General Edgardo De Leon base sa kanilang datos may 67 kasapi ng CPP-NPA ang dinukot at pinatay matapos na pahirapan sa tinaguriang Inopacan Massacre.


Ang paggunita sa kasaysayang naganap na INOPACAN MASSACRE sa Leyte ay hindi makakalimutan dahil sa humigit kumulang na 100 ang pinatay ng CPP-NPA-NDF at kaawa-awang inilibing sa Mount Sapang Dako, Inopacan, Leyte noong 1980’s.

Mismong si AFP Chief of Staff General Bartolome Bacarro na noon ay AFP-PIO chief kasama si dating National Security Adviser Hermogenes Esperon ang umakyat sa Mt Sapang Dako nang ituro ng mga dating NPA at hukayin ang Inopacan mass grave na tinaguriang ‘The Garden)

Ito’y nadiskubre ng kasundaluhan sa pamamagitan ng pagbunyag ng mga survivors dito at ng iba pang former rebels na nakasaksi sa pangyayaring ito.


Sa ilalim ng ipinatupad na Operation Venereal Disease ng NPA, ay pinahihirapan pinapatay ang sarili nilang mga miyembro na nawalan ng tiwala at mga sibilyan na tinaguriang kontra rebolusyonaryo (KR-tagging) dahil sa pagsuway sa kanila ay isang malinaw na pagpapakita na ang CPP-NPA ay isang kultong organisasyon ani Mgen De Leon.

Ang National Democratic Front (NDF) na kumatawan sa CPP-NPA ay matagal nang kasabwat sa pagtakip sa kalupitan na nangyayari hanggang ngayon sa mga geographically isolated na lugar sa bansa.


Nananawagan kami sa mga lokal at internasyonal na tagapagtaguyod ng sangkatauhan na buksan ang kanilang mga mata, bisitahin ang mga malalayong lugar, kausapin ang mga dating miyembro ng NPA na nagkaroon ng lakas ng loob na ipahayag kung paano husay na nilinlang ng mga propagandista ng CPP-NDF-NPA ang mga tao upang maging mga bulag na tagasunod ng kultong itinatag. ni Joma Sison, anamg heneral.

Dapat makinig ang mga humanitarian advocate sa mga dating rebelde na matapang na para maging “whistleblower” na naglalantad sa mga kasamaan ng mga organisasyong dating bahagi nila, dagdag pa ni De leon.


Sa mga kasalukuyang kasapi ng NPA, imulat nyo ang inyong mga mata at gumising sa katotohanan na ang mga matataas na lider mismo ng CPP-NPA-NDF ang maguutos sa inyong kamatayan katulad ng nangyari sa 67 na mga NPA at sibilyan na biktima ng Operations Venereal Disease o o Oplan Missing Link at Oplan Ahoy.

May panahon pa sa pagbabagong buhay. Bukas ang pinto ng ating pamahalaan para sa iyong pagbabagong buhay, panawagan ni JTF Storm commander. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: Communist Party of the Philippine-New People's Army

You May Also Like

Latest News